Pampalakasan Sa Pilipinas
Pampalakasan o Sports sa Pilipinas, meron pala nito? Meron ding mga manlalarong pinadala ang pamahalaan sa kakatapos lang na Olympics ngunit walang napanalunan ni isang medalya. Bakit?
Post Comment|0 Liked It
Pampalakasan o Sports sa Pilipinas, meron pala nito? Meron ding mga manlalarong pinadala ang pamahalaan sa kakatapos lang na Olympics ngunit walang napanalunan ni isang medalya. Bakit?
- And dami-daming sports association, nag-aaway-away naman! Hindi magkasundo sa patakaran at lalo na sa pondo. May nag-tsampion sa isang pandaigdigang kumpetisyon sa dragonboat, inuna pa ang pag-aaway-away ng mga sports officials and associations bago sila binati.
- Sa dinami-dami ng sports na pagtuunan ng pansin, basketbol pa na kulang naman sa tangkad ang pinoy. Kelan huling may offer ang NBA sa isang PBA? Kay Johnny Abbarientos? Dalawang dekada na ang lumipas. Puro fil-am pa ang mga manlalaro. Yung iba, kontrobersiyal pa kung tunay ngang may dugong pinoy. Kung hindi naman, yung mga mayayaman lang, palakasan. No offensement sa mga fil-am at mayayaman, ngunit ang punto lang, marami din namang iba diyan, di lang pinapansin. Ang dami-daming martial arts champions na igorot, hindi rin pinapansin. Ang lawak-lawak ng dagat ng Pilipinas ngunit nasaan ang mga swimming champions?
- Mayroon tayong Pacquiao, Nepomuceno, Co, Bata Reyes, Muros, atbp, ibig sabihin kaya natin mag-produce ng kampeon. Hindi ba dapat hinahabol din sila ng pamahalaan para katulong sila sa pag-train ng mga athletes? Sa kasamahang palad, dumidikit lang ang mga pulitiko sa kanila kung may laban sa Las Vegas. Nasaan na yung Baguioite na wushu champion? Muntik nang mag-gold sa boxing kay Onyok Velasco ngunit ginawa siyang artista.
- Sa China, taon ang inaabot nila sa pag-eensayo bago ang kumpetisyon. Sa Pilipinas, buwan bago ang kumpetisyon kung mag-ensayo.
- Problema ang pondo at pasilidad? Sampung taon nang tumatanggap ang Pilipinas ng financial assistance mula sa Japan para sa futbol pero kung di pa sa Azkals, di pa sumisikat ang futbol sa Pilipinas. Bakit hindi ito bigyan-pansin, buti pa, walang height requirement.
- Daming talentadong pinoy puro tarantado lang opisyales sa larangan ng pampalakasan. Palakasan talaga! Reporma my foot! Pakshet ketdi!




